Pananalig sa Papel ng Suwerte at Malas: Ang Ligaya ng Lotto sa Pag-asa ng mga Pilipino

International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 2 (1):44- 62 (2024)
  Copy   BIBTEX

Abstract

Ang layunin ng artikulong ito ay tuklasin ang konsepto ng pag-asa ng mga Pilipino sa suwerte sa pamamagitan ng pagtaya sa lotto. Tatalakayin ditto ang kahulugan ng mga paniniwala at saloobin ng mga Pilipino tungkol sa kapalaran at kayamanan, lalo na sa konteksto ng pagtaya sa lottery. Tinalakay din sa artikulo ang kahalagahan ng sikolohiyang Pilipino sa pagsusuri ng pag-asa ng mga Pilipino sa suwerte at lottery. Layunin ng artikulong ito na: (1) Malaman ang epekto ng paniniwala sa suwerte at malas sa pagtaya sa lotto sa pangarap at pagkilos ng mga Pilipino sa iba't ibang aspeto ng buhay, (2) Paano nakakaapekto ang popularidad ng lotto sa mga mahihirap na sektor ng lipunan, at ano ang potensyal na mga banta at pinsala nito (3) Mga sikolohiyang Pilipinong masasalamin sa paniniwala ng mga Pilipino ukol sa lotto bilang isang instrumento ng pag-asang pangkabuhayan, at ano ang mga implikasyon nito sa lipunang Pilipino. Ang mga natuklasan at ang kanilang mga implikasyon ay maaaring mag-ambag sa ating pag-unawa sa mga pangunahing sanhi at epekto ng pag-asa ng mga Pilipino sa suwerte na may kaugnayan sa lotto, at maaaring humantong sa mga reporma at solusyon upang matugunan ang mga kaugnay na isyu. Sa huli, ang artikulong ito ay naglalayong magbigay ng mas malalim na kaalaman at pag-unawa sa kulturang Pilipino ng pag-asa at paniniwala na may kaugnayan sa suwerte at kapalaran.

Analytics

Added to PP
2024-03-12

Downloads
326 (#52,592)

6 months
326 (#6,336)

Historical graph of downloads since first upload
This graph includes both downloads from PhilArchive and clicks on external links on PhilPapers.
How can I increase my downloads?