Abstract
Mula pa lamang sa pagkabata ng babaeāt lalaki, naitakda na ng lipunan ang kanilang mga gampanin, ang mga dapat nilang gawin, at ang mga dapat nilang iwasan. Kadalasang binibigyan ang mga batang lalaki ng bola, bisikleta, laruang sasakyan, baril-barilan, taotauhang sundalo, at iba pang mga bagay na humuhulma sa kanila upang maging maliksi at aktibo. Samantala, ang pangkaraniwan namang binibili para sa mga batang babae ay mga manyika, doll house, at mga laruang pangbahay-bahayan tulad ng laruang crib, washing machine, duyan, luto-lutuan, at iba pa. Nakatutulong naman ang mga ito upang maging pasibo ang mga batang babae, at para na rin maihanda sila sa mga gawaing-bahay sa hinaharap bilang ina.