MAY PUWANG KA PA BA?: PAGGALUGAD SA SALOOBIN HINGGIL SA PAGGAMIT NG FILIPINO SA MGA PILING ASIGNATURA NG GEC (GENERAL EDUCATION CURICULUM)

Get International Research Journal 1 (2) (2023)
  Copy   BIBTEX

Abstract

Ang kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino ay nararapat lamang na malinang nang lubusan ng mga tagapagturong may sapat na kasanayan. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng pagsusuring palarawan, upang malinaw na makita ang saloobin ng mga mag-aaral sa paggamit ng Filipino sa paraan na pagpapahayag ng kanilang saloobin. Nilayon ng pag-aaral na ito na malaman ang saloobin ng mga mag-aaral hinggil sa paggamit ng Filipino sa mga piling asignatura ng GEC (General Education Subject) kabilang dito ang GEC 5 (Purposive Communication), GEC 2 (Readings in Philippine History), GEC 1 (Understanding The Self) at GEM 14 (The Life and Works of Rizal). Sinusuri rin dito ang mga uri ng pag-uulat, mga sulatin at proyekto sa naging negatibong saloobin ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino. At bilang midyum sa mga piling asignatura, 33 o 27.50% ng mga mag-aaral ay may negatibong tugon samantalang (87 o 72.50%) karamihan ay nagsabi na kailangan, mahalaga, nakatutulong, madaling gamitin, at gamitin pa sa ibang asignatura. Ang mga respondent ay napatunayan na batid nila na ang paggamit ng Filipino ay isa sa mga wikang panturo sa mga piling asignatura sa antas tersarya at ang walang pagkakaibang saloobin ng mga mag-aaral sa paggamit ng Filipino ay nagpapakita ng kanilang positibong pagtanggap sa Filipino ay kinakailangan sa kanilang pagkatuto. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, ang mga mag-aaral ay kailangang mabigyan ng mga kaukulang gawain kaugnay sa wika upang mapahalagahan ang kanilang saloobin at lalong magamit ang wikang Filipino bilang unang wika sa paraang pasulat at pasalita.

Analytics

Added to PP
2023-11-29

Downloads
652 (#24,648)

6 months
637 (#2,102)

Historical graph of downloads since first upload
This graph includes both downloads from PhilArchive and clicks on external links on PhilPapers.
How can I increase my downloads?